
Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglikha sa 1,200 karagdagang posisyon sa Philippine General Hospital, inanunsiyo ng Malacañang nitong Martes.
Sa press briefing, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na ang hakbang na ito ay makatutulong para palakasin ang manpower sa pampublikong hospital at makapagbibigay ng mahusay at mabilis na serbisyo sa publiko.
“Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos Jr. na makapagbigay ng mahusay at mahasang serbisyo, inaprubahan ng Department of Budget and Management ang dagdag na 1,200 na karagdagang posisyon sa Philippine General Hospital,” ayon kay Castro.
‘Ito ay bilang tugon sa kahilingan ng UP-PGH na palakasin ang organizational at manpower capacity ng hospital upang higit na makapagbigay ng dekalidad na healthcare services sa mga pasyente nito lalo na sa mga Pilipinong higit na nangangailangan,” dagdag niya.
Noong nakaraang buwan, nilimitahan ng PGH ang bilang ng mga pasyente na maaring tanggapin sa kanilang emergency room bunga ng overcapacity.
Ang pagdagsa ng mga pasyente sa ER ay nagdulot din ng kakulangan sa suplay ng mga oxygen cord.
More Stories
Sudden-Death Semis: UST at NU Laban Para sa Final Spot sa UAAP Men’s Volleyball
131 LGUs Balak Kasuhan ng ARTA Dahil sa Kabiguan Magpatayo ng e-BOSS Laban sa Red Tape at Katiwalian
Truck ng Comelec Service Provider Nahulog sa Bangin sa CDO; 1 Patay