Kinontra ni presidential spokesperson Harry Roque ang mga patama sa kanya matapos siyang ma-admit sa Philippine General Hospital dahil sa kanyang COVID-19.
Paglilinaw ni Roque, parte ng University of the Philippines (UP) ang PGH, kung saan nagtuturo siya bilang law professor.
Aniya, hindi uubra ang palakasan sa UP maging sa PGH.
“Ang PGH kabahagi po ‘yan ng University of the Philippines. Wala pong pagkakaiba ang UP-PGH sa UP Diliman. Hindi po pupuwede ang palakasan dito,” lahad ni Roque.
Giniit din ni Roque na malala ang kanyang kondisyon nang siya’y ma-admit kaya’t kinailangan siyang manatili sa ospital, base sa rekumendasyon ng kanyang mga doktor.
“I can assure you po, gaya ng lahat ng ibang ospital, ang basis for admission po kinakailangan moderate at severe cases. Sa aking kaso po, I was in bad shape when I was admitted,” saad ni Roque.
Sambit din ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte, lahat ng pasyente na kailangang gamutin ay hindi tinatanggihan sa PGH.
“Kakaiba po dito sa PGH. Kaya nga po sinabi ko kahapon na sa administrasyon ni Presidente Duterte walang tinatanggihan dahil dito po sa PGH, wala pong pasyente na tinatanggihan dito sa PGH,” aniya pa.
More Stories
LGUs, TV stations, Simbahang Katoliko pinagkakatiwalaang sektor sa ‘Pinas
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)