Binalaan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga nakikialam sa pagproklma ng mga nanalong kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, hindi nila palalagpasin ang panghihimasok ng kahit sino para pigilin o pagbawalan na ideklara ang mga nanalo sa kakatapos na halalan.
Partikular na tinutukoy ni Garcia ang isang mayor sa Bicol Region na tinatakot ang Barangay Board of Canvassers na ideklara ang mga nanalo.
Aniya, hindi katanggap-tanggap ang ginawa ng alkalde kaya’t banat ni garcia na huwag ng makialam at huwag ng hintayin pa na iaanunsiyo ng Comelec ang kaniyang pagkakakilanlan
Bukod dito, inihayag pa ni Garcia ang lahat ng may kasalanan sa pagkaantala ng botohan partikular na sa ilang barangay sa Lanao del Sur na mahaharap sa reklamong kriminal at administratibo. Kabilang dito ang mga volunteers at security personnel na una ng ginastusan ng Comelec sa kanilang pagsasanay para sa nasabing halalan.
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA