Gayundin ang tungkol sa Anti-Terrorism Bill at sa suhestiyon na ilagay si vice president Leni Robredo sa Inter-Agency Task Force o IATF; on Emerging Infectious Disease, sa gayun ay bumaba ang kaso ng Covid-19. Ito ay bunsod ng mungkahi ni dating senador Antonio Trillanes, sa gayun daw ay ma-flat ang curve ng bilang ng kaso ng sakit.
Para sa akin, may sense naman talakayin ang isyu sa ABS-CBN closure at kay VP Leni Robredo. Lalo na sa Anti-Terrorism Bill. Gayunman, kapag ako ang nagpahayag ng aking saloobin at opinion diyan, mga kababayan, tiyak na marami ang aangat ang puwitan. Kuwan po kasi, direct to the point po kasi ako.
Gayunman, kung sakaling ilalahad ko ang aking pananaw o opinyon, irespeto sana ng iba dahil ‘everybody is entitled in his own opinion’— magpahayag ng sariling pananaw; at ‘yan ay human rights. Di po ba? Buweno, iisa-isahin nating tatalakayin ‘yan mga Ka-Sampaguita.
Himayin natin ng tungkol sa Anti-Terror Bill, kung saan may ilang nagsasabi o nagmumungkasi na ibasura ang inihaing panukalang batas ni Sen. Panfilo Lacson.
Teka, ano ba ang masama sa panukalang batas? It’s nothing wrong with that. Naiintindihan natin ang ilan sa ating mga kababayan na tutol dito. Ang totoo, hindi sa hindi sila sang-ayon. Kundi, advance lang silang mag-isip.
Na maabuso ng kinauukulan ang batas. Buweno, sino ba ang may-isip? Ang batas o ang nagpapatupad nito? Natural ang tao? Baog ang batas kapag walang implementasyon— kagaya ng pananampalatayang walang kalakip na gawa.
Ang sa akin lamang, doon sa tutol, huwag po muna tayong mauwi sa sweeping konklusyon, ano po? Kasi nag-iisip kayo ng negatibo at negatibo rin ang mangyayari. Huwag maging pesismista, ano po? Na kesyo maabuso, na mas masahol pa aniya sa martial law, hindi aniya matatakot ang mga terorista— at ang magiging kawawa ang mga mapagdidisketahang mga mamamayan…
Teka, ang mga ganyang katuwiran ba ay may sustansiya? Parang katuriwan ng isang batang kulang sa pagka-maygulang? Ang iba kasi, komukontra hindi dahil may katuwiran. Kundi, para makakontra lang. may masabi lang. O baka may pinagtatakpan? Sabi ko naman po sa inyo, may pagka-pilosopo akong tao.
Mga kababayan, ang tingnan natin ay ang makabubuti sa atin… sa karamihan. Hindi porke may tumututol e i-dya-junk na ang Anti-Terror Bill. Ginawa yan para maprotektahan ang mga sibilyan… ang mga mamamayan sa terorismo. Sa gayun, mapigilan kahit papaano ang aktibidades ng mga radikal sa ating bayan. Kayo, gusto n’yo bang mabiktima ng pagsabog ang inyong mga mahal sa buhay? Hahayaan ba nating maulit uli ang nangyari sa Marawi, Davao bombing, December 30 bombings?
Kanino kayo mas natatakot? Sa pulis o sa terorista? ‘E kako, papaano kung mapagkamalan kang terorista? Kawawa ka ba? ‘E ang lagay, tanga ba ang mga pulis para gawin iyon? Hindi ba sila matatakot sa galit ng Diyos na masamang mambintang ng kapwa? Wala ka bang tiwala sa Diyos at iisipin mong mapaparusahan ka kahit walang kasalanan? Kung magkagayunman, hindi ka ba magkakapera kung sakali sa bayad danyos kung sakaling mangyari sa iyo yun?
Kung ikaw ay law abiding citizen at may takot sa Diyos, hindi ka matatakot sa anti-terror bill, simple lang. Bakit takot ang iba? Bakit tututol ang iba sa magandang layuning panukalang batas? Aba, sabi nga ng isang preacher, pag ganun, medyo may sira ang ulo ng mga yun.
Kapag tutol ka sa tama at makabubuting batas, aba’y may tama ka! Kapag may tutol sa tama at magandang programa ng gobyerno, aba’y kuwidaw, may mema ka lang kung ganun? Kusabagay, kasingtanda ng panahon ang pagtutol. Kahit sa langit, may kontra sa Diyos. Di po ba?
Bakit hindi muna subukan ang isang bagay bago manghusga ang ilan? Sa palagay ko naman ay maayos ‘yan kapag nangyari ang iniisip ng iba— jumping to sweeping conclusion. Buweno, para mag-iba ang prinsipyo ng tutol, panoorin n’yo ang pelikulang ‘The Foreigner’ ni Jacky Chan. Baka ‘yung tatahi-tahimik lang na sibilyan ‘ e ay mas mahusay pa pala sa terorista. Hihintayin pa ba nating sila ang kumilos para sampola ang mga totoong terror sa ating bayan?Adios Amorsekos.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino