January 21, 2025

PAGTATANIM NG 100-M PUNO NG NIYOG, SUPORTADO NI PBBM (Bago matapos ang termino)

NAGPAHAYAG ng buong suporta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa plano ng Philippine Coconut Authority na magtanim ng 100 milyon na puno ng niyog bago matapos ang kanyang termino.

Sa isinagawang pagpupulong kasama ang Private Sector Advisory Council-Agriculture Sector Group (PSAC-ASG) sa Malacañang nitong Miyerkules, natatanaw ng Pangulo ang magandang oportunidad para sa bansa na maging world leader sa coconut exports.

Inirerekomenda ng PSAC-ASG na dapat pabilisin ang paglulunsad ng malawakang programa sa pagtatanim ng puno ng niyog sa pamamagitan ng pagpapataas ng produksyon ng binhi.

Ayon sa pangulo, titiyakin niya na makakatanggap ang PCA ng sapat na pondo para maisakatuparan ang programa.

“This is really a great opportunity for the country. We have a chance to do it because [of] the market. Every single part of the nut [has] use and can be sold,” dagdag niya.

Ang Pilipinas ay ikalawa sa pinakamalaking coconut exporting coconut country sa mundo sa likod ng Indonesia.