
Panahon na ng tag-ulan kasunod ng mga pagbaha.
Bunsod nito, muling nanganganib ang mga mamamayan na malubog sa tubig-baha na kontaminado ng ihi ng daga.
Ayon sa datos na inilabas ng Department of Health ngayong Biyenes, patuloy na tumataas ang bilang ng kaso ng leptospirosis sa bansa.
Umakyat ng 22 porsiyento ang kaso ng leptospirosis mula Enero hanggang Agosto 6, kumpara sa naitala sa katulad na panahon noong 2021.
Nasa 1,411 ang huling bilang ng mga kaso, mas mataas sa nairekord noong 2021 na 1,157.
Tumaas din ang mortality rate o 188 bilang ng mga nasawi dahil sa nasabing sakit.
Karamihan sa mga nadale ng sakit ay mula sa Metro Manila na nagtala ng 263; Western Visayas, 171; Cagayan Valley, 169 kaso.
Ang leptospirosis ay isang waterborne bacterial disease na nakaaapekto sa kidney, at magdudulot ng meningitis, liver failure, respiratory distress, at kamatayan sakaling hindi maagapan.
More Stories
VP SARA, HARRY ROQUE, ROBIN PADILLA DUMATING SA ICC
BALLOT PRINTING POSIBLENG MATAPOS NGAYONG MARSO 15 —COMELEC
Vlogger at trolls na nagpapakalat ng fake news hahabulin ng NBI… ROQUE KAKASUHAN MATAPOS MANAWAGAN NG ‘PEOPLE POWER’