Mukhang papalo na naman kaso ng COVID-19 dahil sa pagluwag ng sitwasyon. Ayon nga sa ilang analyst, malamang sumipa na naman ito pagkatapos ng eleksyon.
Ilang tulog na lang nga ay halalan na. Siyempre, kumpulan ang mga tao. Hindi natin maiiwasan yan. Marahil ang tinitingnang anggulo ay ang pagluwag nga ng senaryo. Marami nang tao ang lumalabas.
Malaki rin ang impact ng pag-abang at pagdalo ng mga tao sa kampanya ng mga kandidato. Lalo na ang pagdalo sa mga rally.
Gayunman, bagamat disiplinado ang iba, mayroon din namang pasaway.
May mga lumalabas ng bahay na wala na ng suot na face mask. Kung suot man, hindi maayos. Yung iba, nakahubad pa dahil sa mainit ang panahon.
Kahit summer na, papalit-palit ang klima. Hrto nga’t binabagyo na agad tayo.
Dapat maging handa na rito ang DOH at ang kinauukulan. Ihanda na ang dapat ihanda. Ikasa ang vaccination sa mga gusto. Magpa-booster ang gusto nito. Maging responsable tayo sa kabila ng Alert Level 1.
Sa gayun ay pare-pareho tayong hindi maperwisyo. Kaya, ikaw , ako, sila at tayo, mag-ingat. Dahil hindi pa tapos ang laban sa COVID-19. Maghanda sa bagong variant na darating at darating pa.
More Stories
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino
Ang Pagbabalik ni Hen. Douglas MacArthur