Para kay 4-time World Cup champion Paeng Nepomuceno, nais niyang mapabilang sa Olympic games ang bowling. Ayon sa ‘Ambassador of the Sport’, dapat aniyang ituring ang bowling na isang regular sport.
Kaya naman, hangad niyang maisama ito sa Olympic calendar. Nais din niyang ikampanya sa International Olympic Committee (IOC) na dapat aniyang maisama sa Olympic event ang bowling.
Kaugnay dito, optimistiko naman ang 63-anyos na recipient ng ‘President’s Trophy’, (pinakamataas na sports award) na mapapapayag niya ang IOC.
Si Nepomuceno ay nahirang na “Athlete of the Millenium” ng FIQ. Ang FIQ ay sport’s world governing body sa bowling.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2