January 24, 2025

PAGPASLANG SA TATAY NI KAWHI LEONARD, UNSOLVED MURDER CASE

Isa si Los Angeles Clippers small forward Kawhi Leonard sa masasabing mahuhusay na manlalaro ng basketball sa NBA.

Hindi rin lingid sa mga basketball fanatics na naglaro siya noon sa San Antonio Spurs at nakakopo na ng NBA ring noong nagkampeon ng Spurs noong 2014 kontra sa Miami Heat.

Gayundin sa Toronto Raptors noong 2019 kontra Golden State Warriors.

Binansagan siyang “The Quite Storm” dahil halimaw ang laro kahit tahimik lang na tao. Ipinanganak si Kawhi noong June 29, 1991 sa Los Angeles California.

Sa kanyang kamusmusan, naging idol na niya si Spurs center Tim Duncan. Tumutulong siya sa kanyang tatay sa hanapbuhay nilang Compton car wash..

Ang kapansin-pansin kay Leonard, kahit na halimaw ang laro niya, nakakabuslo o nakaka-dunk, wala siyang reaksyon.’

O kahit sa siya’y masaya, galit, pagod o excited sa laro. Ito’y dahil sa pagkakabaril kanyang tatay na si Mark noong Enero 18, 2008 sa kanilang car wash.

Pumanaw ito sa edad na 43-anyos. Noong siya’y naglalaro sa San Diego State, naapektuhan ang husay niya sa basketball.

Bukod dito, nananatiling pribado siya sa kanyang personal na buhay. Na nais malaman ng media. Anila, dinamdam ni Leonard ang pagkamatay ng kanyang ama.

Kaya, bawat laro niya, iniisip niya ang kanyang yumaong ama at labis siyang nalulungkot dahil hindi na nito nasasaksihan ang kanyang husay sa basketball.

Na labis na nakapagbibigay sa kanya ng lungkot. Dahil hanggang ngayon, di  alam kung sino ang suspek. Kaya, di  malutas-lutas ang kaso ng pagpaslang dito.