Sa loob ng mahigit dalawang lingo, tatlong Chinese nationals na ang napa-deport ng Bureau of Immigration (BI) matapos silang maaresto.
Ang hakbang na pabilisin ang deportasyon ay alinsunod sa pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos na nagbabawal sa mga operasyon ng POGO sa bansa.
“This is only the beginning. The Bureau is intent on carrying out its mandate swiftly and efficiently, ensuring that violators are held accountable and deported without unnecessary delay,” ayon sa BI.
Sinabi rin ng bureau na ang naturang deportation ng tatlong Chinese ay unang batch pa lamang at nagtatrabaho ito ng walang kapaguran upang matiyak ang mabilis na pag-alis ng mga indibidwal na napatunayang lumabag sa immigration laws ng bansa upang ipakita ang determinasyon na ipatupad ang mandato ng Pangulo at protektahan ang interes ng bansa.
Kinilala ang mga naipa-deport na indibidwal na sina Lyu Xun, 23; Kong Xiangrui, 26 at Wang Shangle, 25, na kabilang sa 450 illegal POGO workers na naaresto sa malawakang operasyon na isinagawa ng BI noong Enero 8. Isinakay sila sa sa isang Air Asia flight papuntang Xiamen, China noong hapon ng Enero 25.
Naglabas ang BI ng matinding babala laban sa mga nanatiling POGO workers sa bansa. “We encourage those who are still here illegally to voluntarily surrender to authorities,” giit ni Viado. “Avoid the embarrassment and consequences of arrest. Cooperate now to facilitate your departure,” dagdag niya.
Marami pang deportasyon ang nakatakdang sumunod sa mga susunod na linggo, habang pinatitindi ng BI ang kanilang mga pagsisikap na alisin ang mga ilegal na manggagawa sa bansa. ARSENIO TAN
More Stories
150 PDL IBINIYAHE SA LEYTE
World Slasher Cup nakatakda sa Jan. 20-26 sa Araneta Coliseum
BONG GO: BIKOY DAPAT MAGPATINGIN SA MENTAL HOSPITAL!