INAPRUBAHAN ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang rekomendasyon ni Transportation Secretary Jaime Bautista na palawigin ang deadline ng konsolidasyon ng public utility vehicles (PUVs).
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang January 31, 2024 deadline para sa phaseout ng mga tradisyunal na jeepney ay gagawing April 30 o pinalawig ng tatlong buwan.
“This extension is to give an opportunity to those who expressed intention to consolidate but did not make the previous cut-off,” ayon pa sa pahayag na naka-post sa Facebook page ng PCO.
Magugunitang naunang sinabi ng Pangulo na hindi na magkakaroon ng ekstensyon sa December 31, 2023 deadline.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA