December 23, 2024

PAGLINANG SA SEKTOR NG AGRIKULTURA, LUNAS SA BILANG NG MGA NAGUGUTOM

Muli, isa pong magandang araw sa inyo mga minamahal kong mga kababayan. Mga ginigiliw kong mga Ka- Sampaguita. Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan. Nawa’y di magmaliw ang di nauubos na biyaya ng Maykapal. 

Muli, ating pagdidiinan ang pagtalakay sa agrikultura. Natalakay na natin noon ang tungkol dito— na kung tutuusin ay simple lang ang solusyon sa kahirapan— sa mataas na bilang ng nagugutom— ang agrikultura.

Ang agrikultura ay produksyon ng pagkain. May tatlong pamamaraan ng agrikultura at ito ay ang pagtatanim, pangingisda at pag-aalaga ng ng hayop.Ang ating bansa ay mayaman sa likas na yaman at isa dito ang Agrikultura.

Ang kaloob na biyaya  ng Diyos sa ating bansa ay dapat pangalagaan at ingatan. Dahil ito ang susi ng kinabukasan. Mataba at malusog ang lupa ng Pilipinas kaya hindi nakapagtataka na mayaman tayo sa agrikultura.


Noong unang panahon, agrikultura ang dahilan kaya nasakop ng iba’t ibang bansa ang pilipinas tulad ng Espanya. Sinakop tayo ng Espanya dahil sa ating mga pananim gaya ng mga sangkap na pampaanghang tulad ng sili at sibuyas. Noon pa lamang ay marami nang nakatuklas— na ang Pilipinas ay mayaman sa agrikultura dahil ang mga Pilipino noon ay maalaga at mapagmahal sa sektor ito.

Kung ating ihahambing ngayon, masasabi nating ang mga Pilipino ngayon ay makasarili, dahil wala silang ginawa kundi mangarap na yumaman o magkatrabaho ng walang kahirap-hirap ngunit kumikita ng malaki.

Wala nang nagnanais na mag-alaga sa ating kalikasan o agrikultura, dahil halos lahat ng mga Pilipino ay walang pinangarap kundi kumita ng malaki. Di po ba?


Nakalulungkot na ang agrikultura sa Pilipinas ay napabayaan na, isang halimbawa ang Rice Terraces. Ang mga katutubong Igorot sa Ifugao ay naghirap upang mabuo ang napakagandang rice terraces. Ipinagmamalaki natin sila tanyag ang hagdan-hagdang palayan sa buong mundo, kaya isa ito sa mga dapat nating pangalagaan.

Ngunit, anong ginawa ng mga kasalukuyang Igorot sa Rice Terraces? Tila napabayaan na nila ang hagdan-hagdang palayan na dapat nilang alagaan dahil ninuno nila ang gumawa nito.

Inakala nila na mababa ang estado ng pagtatanim, dahil hindi nila alam na pinaghirapan yon ng mga ninuno nila. Kaya tingnan mo ngayon ang pinagmamalaki nating Rice Terraces at kayo na humusga kung anong kondisyon nito ngayon.


Isa pang halimbawa ang pagkainggit natin sa Amerika at sa ibang lahi. Naiinggit tayo sa kanila sapagkat sa likod ng walang kahirap-hirap na trabaho ay napakalaki ng suweldo.

Nagawa lang ng Amerika ang lahat ng ito dahil sila ay mayaman sa industriya samantalang tayo ay mayaman sa likas na yaman. Dapat maintindihan ng mga Pilipino na ang bawat bansa ay may natatanging yaman kaya hindi dapat magkainggitan.

Gayunman, lingid sa atin o kahit di lingid, mas marami ang naiinggit sa atin dahil sa sagana nating taglay sa likas na yaman. Kaya, dapat natin itong linangin at pangalagaan lalo na sa panahon ngayyon. Adios Amorsekos.