December 24, 2024

Saludo tayo sa DENR Region 3 sa paglalagay nila ng floating trash traps sa mga ilog

Bagama’t nasa krisis tayo dahil sa COVID-19 pandemic,hindi lang dapat tayo nakatutok sa paglaban dito.

Huwag nating ibuhos ang atensyon dito. Dapat pantay lang. Huwag nating kalilimutan ang kalikasan. Kaya nga, saludo tayo sa DENR regional office sa Pampanga.

Nagkamada kasi sila ng 50 trash traps sa ilang ilog sa Region 3. Layun nitong mapigilan ang pagdaloy ng mga basura parekta sa Manila Bay.

Ang mga floating trash traps ay nagmimistulang vaccum o lambat na pumipigil sa basura. Gawa ang mga ito recycled materials. Ayon nga kay executive director ng DENR sa Region 3 Paquito Moreno Jr, gawa sa plastic at fishing gear ang trap.

May sukat itong 30 hanggang 100 meters. Regular ang ginagawa nilang clean-up kada lingo.

Sa ganitong paraan daw, makatulong sila upang manatiling malinis ang Manila Bay. Malaki Ang naitulong ng trap dahil 30 tons ng basura ang naharang na lumulutang sa ilog at sapa.

Sa kanilang programa, naka-ugnay sila sa mga LGU’s. Panawagan nga ni Moreno, patuloy sanang suportahan ng madla ang DENR. Lalo na sa programang isalba ang Manila bay.

Ang maganda ngayon sa hakbang ng DENR, patuloy nilang inaalala ang lagay ng Look ng Maynila.kailangan aniyang lagi itong malinis.

Lubhang mahalaga ang ginagawa nila sa ngayon lalo pa’t wet season. Sa gayun ay maiwasan ang pagbaha dahil sa basura.

Mabuti na lamang at hindi gaanong nag-uuulan ng malakas. Kaya nga, paalala natin sa ating mga kababayan, ayusin ang waste segregation.

Huwag itong  itatapon sa ilog at iba pang daluyan ng tubig. Naniniwala ako na ang kainaman ng lagay ng paligid— ay nakasalalay sa paglilinis nito.

Sa gayun ay makaiwas pa tayo sa ibang sakit, lalo pa’t karamihan sa atin ay nag-iingat sa COVID-19.

Nwa’y gayahin din ng iba, lalo na ng NCR ang ginawa ng DENR Region 3.Adios Amorsekos.