IGINIIT ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na patuloy ang gagawin nilang pagkumpiska ng mga lisensya sa lungsod.
Ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Manila Mayor Honey Lacuna, ang pagkumpiska ng lisensya ng mga traffic enforcers ng Maynila o Manila Traffic and Parking Bureau ay base sa isang ordinansa.
Dahil aniya dito ay otorisado sila na mangumpiska ng lisensya ng mga traffic violators sa lungsod.
Matatandaan na una nang iniutos ni Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos na tanging Land Transportation Office (LTO) lamang ang may karapatan na mangumpiska ng lisensiya ng mga motorista na may traffic violation.
Ito ay kasunod nang pagpapakalat ng mas maraming local traffic management units sa mga lansangan dahil na rin sa pagpapalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ng Korte Suprema sa pagpapatupad ng No-Contact Apprehension Program (NCAP).
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA