November 23, 2024

Pagkakaisa, layun sa panibagong term ni Bambol Tolentino sa POC

‘Unity’.Ito ang pinakalayunin ng programa ni re-elected POC president Bambol Tolentino. Kaya naman, sang-ayon rito ang nakatunggali niyang si Atty. Clint Aranas.

Kaya naman, makikipagkaisa ang pangulo ng Archery Federation Philippines sa adhikain nito.

The majority decided and it’s my duty to respect the voice of the majority. Iisa lang naman ang layunin namin sa POC yung mapaangat ang kalidad ng sports,” pahayag ni Aranas, dating GSIS president.

Pero tungkulin din naman namin bilang mga miyembro ng POC na kuwestyunin kung anoman ang sa tingin namin ay mali at kailangan na pagtuunan ng pansin.

Nakamit ni Tolentino ang 30-22 votes  mula sa 53 national sports associations member.

Hindi man landslide ang panalo, iginiit ni Tolentino na kailangan niyang magtrabaho. Upang  patunayang nasa mabuting kamay ang Olympic body.

“Tapos na election, focus na tayo ng todo sa preparation sa Tokyo Olympics. Besides, there are four other major international events tayong sasalihan.”

“Kaya kailangan nating maihanda ang mga atleta,”ani Tolentino.