Magiging potentially dangerous na ang Brooklyn Nets sa next season ng NBA. Bukod sa kargado ito ng nahusay na rosters, napabilang din ang magaling na coach.
Ito ay sa katauhan ni Steve Nash. Pambato ni Nash sina Kevin Durant at Kyrie Irving. Gayundin sina Caris LeVert at Spencer Dinwiddie. Ayon sa ulat, may plano si Nash sa versatile player na si Durant.
“Kevin with his length, is a matchup problem for everyone,” saad ni Nash sa ‘The Old Man and the Three podcast ni JJ Reddick.
“Kevin can play all five positions and I plan to use him all in all five positions,” aniya.
Patitikasin din ni Nash ang laro ni Jarrett Allen at ng iba pa. Naniniwala siyang talented at versatile ang players ng Nets.
Ang problema lang ay kung papano pananatilihing healthy ni Nash ang team. Lalo pa’t nagpapagaling ang isa sa pambato ng Nets na si Durant.
Isa pang problema ay nililigalig ng fans at media ng New York si Durant.Sapol nang sumampa ito sa Brooklyn, panay banat nito sa kanya.
“They bothered me the whole year. But when it’s my time to talk about it, I gotta shut up now?”
“I’ve been wanting to ask these questions for a year. Now that I’m available, it’s a problem?”ani Durant.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!