December 28, 2024

Paghihigpit sa mga border ng Pilipinas mula sa mga bansa na may banta ng Omicron variant pinaburan ni Cayetano

PINABORAN ni Taguig Pateros District at dating House Speaker Alan Peter Cayetano ang muling paghihigpit ng pamahalaan kaugnay ng pagsasara ng borders ng Pilipinas mula sa mga bansa na mataas ang banta ng Omicron Variant.

Dahil dito malaki ang tsansa na maiwasan na makapasok sa bansa ang virus dahil hindi papayagan ng mga airlines ang mga toristang papasok sa Pilipilipas maliban sa mga OFWs base sa bagong guidelines ng pamahalaan.

Inirekomenda rin ni Cayetano sa pamahalaan na sagutin ng Consolate o Embassy ang gastusin ng mga OFWs na naipit o nastranded sa ibang bansa matapos bawiin ng Gobyerno ang kabilang sa greenlist country at ibalik ang facility based Quarantine sa mga pasaherong dumadating sa mga Paliparan mula sa ibang bansa dahil sa panibagong banta ng Omicron Variant.

Sinabi ni Cayetano na nasa 10 million OFWs ang nasa ibang bansa at karamihan sa kanila ay gusto ng umuwi subalit karamihan din sa kanila ay walang maiuwing pera dahil ang iba sa kanila ay buwan-buwan nagpadala sa kanilang pamilya o kaya ay hindi naswelduhan o sa iba pang kadahilanan. (Danny Ecito)