MAITUTURING na tax evasion ang paggamit at pagbebenta ng pekeng PWD (persons with disability) ID, ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
“People who sell and use fake PWD IDs are not only committing tax evasion, they are also disrespecting legitimate and compliant PWDs,” saad ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr.
Sa ilalim ng Repubic Act No. 7277, na inamyendahan ng Republic Act No. 10754, makakatanggap ng 20 percent discount ang mga PWD at exempted sa value-added tax (VAT) sa ilang produkto at serbisyo sa pamamagitan ng pagpresenta ng PWD card.
Gayunpaman, sinabi ng BIR na may mga taong mapagsamantala na nagbebenta ng pekeng PWD IDs sa online at sa kalsada.
“The discount given by law to PWDs is for the improvement of their well-being and easing of their financial burden. It is not some common discount card that is accessible to the general public,” giit ni Lumagui.
“Expect the BIR to run after fake PWD ID sellers and users,” dagdag pa niya.
Nitong nakaraan ay iniulat ni Sen. Sherwin Gatchalian na aabot sa P88.2 bilyong buwis noong 2023 ang nawala sa gobyerno dahil sa pekeng identification cards ng PWDs.
“Ang laki ng discount ng PWDs, 20 percent po ‘yan. Ibig sabihin niyan nawawalan ng kita rin ang mga negosyante imbes na nagagamit ‘yan sa mga proyekto ng ating gobyerno at ang talagang nakikinabang ay ‘yung PWDs ay itong mga manloloko ang nakikinabang,” ayon kay Lumagui.
“Dahil kasong kriminal ang pwedeng ikaso dito so may fines at may parusang pagkakakulong din ‘yan pagka napatunayan na involved kayo dito sa pagbebenta ng pekeng PWD IDs at ‘yung paggamit mismo,” diin niya.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA