December 25, 2024

Pagdiriwang ng Malabon’s 22nd Cityhood Anniversary, pinangunahan ni Mayor Jeannie

PINANGUNAHAN ni Mayor Jeannie Sandoval ang pagdiriwang ng ika-22nd mula nang maging isang highly urbanized na lungsod ang Malabon sa pamamagitan ng mga programa, mga aktibidad at pagpaparangal para sa mga empleyado nito sa City Hall na naglingkod nang mahigit 10 hanggang 40 taon.

Inorganisa ng mga opisyal ng Lungsod ng Malabon ang Gabi ng Parangal, isang espesyal na gabi para ipakita ang lalim ng kanilang pagpapahalaga sa sektor ng negosyo na tumulong sa Malabon na lumakas mula sa pandemya ng COVID-19.

Kasama sa listahan ng mga Awardees ang Brew Cave, Jacks, Mary Jay restaurant, Balsa, Benny’s Lounge, Burger King, Jollibee Potrero at Concepcion, at McDonald’s Flores.

Bilang pagkilala naman sa turismo at kalusugan, inilunsad ni Major Jeannie ang “Best Seat in the City” na kumikilala sa mga establisyimentong nakatugon sa sanitary, health at kaligtasan ng Malabon.“It is only through the unified effort of the local government and the private sector that we can achieve true progress for Malabon” ani Mayor Jeannie.

Kinilala rin ng Gabi ng Parangal ang top business and real estate taxpayers na kapuri-puri sa pagsunod at sumusuporta sa paghahatid ng inclusive economic growth sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Jeannie.

Kabilang sa Top corporate taxpayers ang Malabon Soap and Oil, Maynilad Water Services, First PGMC Enterprises, Coca Cola FEMSA Philippines, MSO Premium Oil Corporation, Manly Plastics Inc, Good 555 Deal Trading Corporation, Basic Packaging Corporation, MC Master Siomai Hut, Starbright Office Depot.

Sa ilalim naman ng Single Proprietorship category, ang top taxpayers ay kinabibilangan ng Chyrus Marketing, Formingtech Marketing, Zinc Marketing, NCLA Enterprises, REATON Mart, TIBRL Enterprises, Wisezon Soap Trading, P&E Meat Dealer at St. Rita Pharmacy.

Mas naging espesyal ang gabi sa presensya ni Senator Cynthia Villar na nakiisa sa pagdiriwang.

Ang anibersaryo ng pagiging lungsod ng Malabon ay susundan ng isang buwang Tambobong Festival sa Mayo kung saan ang mga bisita ay maaaring makilahok sa iba’t ibang aktibidad na idinisenyo upang magbigay ng isang hanay ng mga karanasan mula sa mga seminar hanggang arts at fashion.

Ang espesyal na mga kaganapan ng Malabon ay magtatapos sa pageant nito sa Ginoo at Binibining Malabon na ang mga mananalo ay hindi lamang makakatanggap ng mga premyo kundi magsisilbi rin bilang “mga ambassador” ng lungsod na nagtataguyod ng mayamang kultura at pamana ng Malabon.