May 5, 2024

PAGCOR, MABILIS ANG GINAWANG PAGTULONG SA MGA LUGAR NA APEKTADO NI ‘EGAY’

May be an image of 3 people

HINDI na nag-atubili ang PAGCOR sa pagbibigay ng tulong sa mga apektado ng bagyong “Egay” sa Northern Luzon matapos itong magbigay ng  relief assistance sa libo-libong inilakas na mga indibidwal sa Vigan, Ilocos

Umabot sa 5,000 food at non-food packs ang ipinagkaloob ng state-run gaming and regulatory firm sa lokal na pamahalaan, na ipinamahagi sa ilan nating kababayan sa 20 barangay na lumilkas  dahil sa naturang bagyo.

Isa sa ang Vigan sa pinakasinalanta na lugar sa Northern Luzon ng naturang bagyo dulot ng malakas na hangin, kawalan ng kuryente, binaha ang mga sakahan, winasak ang mga tulay at mga landslides sa iba’t ibang komunidad.