Hindi pabor ang Quezon City sa muling pagbubukas ng mga sinehan sa gitna ng pagpapatuloy na banta ng COVID-19.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, bagama’t suportado niya ang muling pagbubukas ng ekonomiya, dapat balansehin ng mga benepisyo ang mga panganib.
“If we allow it to open, for the few that will agree to open, parang the risk is not commensurate to the gain. ‘Yung risk mo ngayon, enclosed ‘yung mga tao sa airconditioned environment, walang natural ventilation, 2 hours ‘yun silang uupo diyan,” saad niya.
Wika pa ni Belmonte na maging ang mga may-ari ng mga mall ay hindi payag na buksan ang kanilang mga sinehan.
“Para sa kanila, even if it’s allowed, marami sa kanila ang hindi magbubukas because they don’t see that it’s really going to be, play a big part in terms of economic impact,” sambit niya.
Binigyang-diin din ni Belmonte ang payo ng epidemiology at disease surveillance unit ng lungsod laban sa muling pagbubukas ng mga sinehan.
“There are several other variants that have been identified and we don’t know yet how transmissible they are, how they are transmitted compared to the original one, how virulent they are. So, of course, all the more we have to air on the side of caution,” saad ni Belmonte.
Sinabi ni Belmonte na walang mga reserbasyon sa pagbubukas ng iba pang mga establisimiyento at mga aktibidad na binanggit ng IATF, kabilang ang mga aklatan, archive, museo, cultural centers, kumperensya, eksibisyon, limitadong mga atraksyon ng turista.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA