PORMAL nang binuksan ang klase para sa S.Y. 2022-2023 sa Lungsod ng Taguig ngayong araw, ika-22 ng Agosto.
Naging maayos at matiwasay ang pagsalubong ng mga estudyante sa unang araw ng pasukan sa iba’t ibang paaralan sa lungsod na binisita rin ng ilan nating lingkod-bayan. Ang kaayusan sa unang araw ng pasukan ay dahil na rin sa masusing paghahanda ng mga paaralan katulong na ang pamahalaang lungsod.
Personal na binisita ni Mayor Lani Cayetano, DepEd TaPat Schools Division Superintendent Dr. Margarito Materum, School Governance and Operations Division (SGOD) Chief Danny Espelico, at Coun. Marisse Balina-Eron and mga mag-aaral sa Signal Village National High School.
Pinaalalahanan ni Mayor Lani ang mga guro at mga mag-aaral ng kahalagahan sa pagsunod ng mga health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Nagsagawa din ng classroom tour si Mayor Lani sa EM’s Signal Village Elementary School upang malaman ang kalagayan ng mga mag-aaral at mga guro sa paaralan.
Sa Western Bicutan National High School naman ang naging destinasyon nina Vice Mayor Arvin Ian Alit, Coun. Nicky Supan, at Coun. Ed Prado. Habang ang mga mag-aaral naman sa R.P. Cruz Elementary School naman ang sinalubong nina Taguig-Pateros Dist. 1 Rep. Ricardo “Ading” Cruz Jr., at Coun. Totong Mañosca.
Ang Kapt. Eddie T. Reyes Integrated School naman napili ni Taguig 2nd District Rep. pammy Zamora, Coun. Jomil Serna, Coun. Alex Penolio, at Coun. Edgar Baptista na bisitahin.
Pinuntahan din ni Coun. Carlito Ogalinola ang Bagumbayan National High School, habang sa Napindan Elementary School naman sinalubong ni Coun. Gammie San Pedro ang unang araw ng pasukan.
Isa pa sa mga paaralan na dinalaw ngayong araw ay ang Ususan Elementary School para kay Coun. Tikboy Marcelino.
Bago pa man ang pasukan ay sinigurado na ng pamahalaang lungsod na magiging maayos at ligtas ang pagbabalik eskwela ngayong taon sa pagsasagawa ng iba’t-ibang programa katulad ng Brigada Eskwela at One-Stop Shop Bakuna para sa mga guro, non-teaching personnel at mga estudyante.
Patuloy namang bibigyang prayoridad ng lungsod ang pagbibigay ng dekalidad na edukasyon kasabay ang pagpapanatili ng kaligtasan ng mga estudyante.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY