December 23, 2024

Pagbati sa ika-108 taong anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo

Happy 108th anniversary sa mga kaibigan at kababayan nating kaanib sa Iglesia Ni Cristo. Ngayong araw ay ginugunita ng INC ang anibersaryo, Hulyo 27, 1914. Isandaan at walong taon na ang nakalilipas buhat nang lumitaw ang Iglesia rito sa ating bansa.

Kaalinsabay ito ng pagsiklap ng World War I. Sinasampalatayanan ng mga kaanib na ang kaganapang ito ay hindi nagkataon lamang. Kundi, itinakda at katuparan ng hula sa Biblia. Hamak man sa simula ang Iglesia sa pamamahala ni Ka Felix Y Manalo, tumibay ito at lumago.

Para sa mga kaanib, ang Iglesia (Iglesia Ni Cristo) na lumitaw sa bansa noong 1914 ay siya ring itinayo ng Panginoong Jesucristo. Ito’y sangayon sa pahayag ng Tagapagligtas sa Mateo 16:18, na itatayo ang Kanyang Iglesia. Ang INC na lumitaw sa Pilipinas ay bahagi ng pahayag ni Jesucristo sa Juan 10:16.

Maraming nasugapang pagsubok ang INC sa payak nitong pagsisimula sa Pilipinas. Hinamak ito at inusig ng kaibayo sa pananampalataya. Subalit, sa awa at tulong ng Diyos, hindi nagtagumpay ang mga manlilibak.

Kakatwa at kakaiba para sa karamihan ang Iglesia, lalo na ang mga aral nito. Gayunman, marami ang humahanga sa nakamit na tagumpat na narating ngayon ng INC. kung ang ibang relihiyon sa bansa ay humihina, ang Iglesia naman ay patuloy sa paglakas at paglago.

Kung lilingunin, mula nang pamahalaan ni Ka Felix ang Iglesia, kagila-gilalas ang mga tagumpay nito. Nagpatuloy ito sa panahon ng pamamahala ni Ka Erano hanggang kay Ka Eduardo V. Manalo. Kung nililibak ito noon, hiahangaan at nirerespeto na ito ngayon.

Malaki ang kontribusyon o papel ng INC sa espirituwal na aspekto. Gayundin sa lipunan, moralidad at pamumuhay ng tao. Na inaakay ang tao tungo sa malinis na pamumuhay. Tumutulong rin ang Iglesia sa mga kababayan nating nangangailangan. Sa kabuuan, masarap mabuhay sa lipunan na ang kasama mong mga tao ay mataas na antas ng moralidad.