Ngayong Hulyo 27, 2021, ginugunita ng mga kaibigan at mga kababayan na kaanib ng ‘Iglesia Ni Cristo’ ang Ika- 107 taong anibersaryo.
Bagama’t masama ang panahon noong nagdaang linggo dulot ng bagyo at habagat na ipinakita ng kapatiran ang kanilang debosyon at kasiglahan sa pagsamba. Lalo na ang isinagawang ‘Pagpapasalamat’.
Dito natin hinahangan ang kapatiran sa kanilang masidhi at marubdob na pagkakilala sa kanilang paniniwala. Kahit masama ang panahon, tuloy ang aktibidad nila.
Lubos na makabuluhan para sa Iglesia ang petsang Hulyo 27, dahil sa petsang ito lumitaw ang Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas. May mga kaibigan akong kaanib sa INC at nakikipagkuwentuhan ako sa kanila. Kaya, may alam akong background sa nasabing kongregasyon.
Noong Hulyo 27, 1914, opisyal na napa-rehistro sa ahensiyang sumasaklaw sa pagpaparehistro tungkol dito, kaalinsabay ng Unang Digmaang Pandaigdig. Batid naman ng karamihan, kahit noong nabuhay noong dekada 20 hanggang 40 (ng ika-20 siglo ) na ano ba ang kalagayan noon ng Iglesia? Isang simple at kumbaga sa barko na papalaot sa dagat ‘e kakarag-karag at maliit lang.
Pero, sa paglipas ng panahon, malaki ang ipinagbago nito. Ang dating tila kabute o simpleng kalagayan— isa na ngayong lumalago at pang-buong mundong kongregasyon. Nakakamangha at nakakagulat ang paglago na ito sa maikling panahon sapol nang pangunahan ni Ka Felix Y. Manalo ang gawaing pagpapalaganap nito.
Maraming pagtatagumpay ang INC sa nakalipas na ika-20 siglo, magpahanggang sa ngayon. Akala ng nakararami noong pumanaw si Ka Felix noong Abril 12, 1963, babagsak na ang INC. Pero, kabalintunaan ito sa nangyayari sa nasabing relihiyon.
Nakapagpatayo ang INC ng malalaki at magagarang bahay sambahan nila o kapilya, eskuwelahan, paaralan ng mga nag-aaral ng pagka-ministro, pabahay, pangkabuhayan at iba pa noong ipinagpatuloy ni Ka Eraño G. Manalo ang pamamahala sa INC. Noong siya ay pumanaw noong taong 2009, ipinagpatuloy ni Ka Eduardo V. Manalo ang pamamahala— kung saan tuloy-tuloy ang pagpapatayo ng kapilya at iba pang gusali na may kaugnayan sa paglilingkod.
Nariyan din ang ilang programa at proyekto gaya ng housing projects, livelihood projects, pagtulong sa mga kapus-palad o “Lingap Sa Mamamayan”, pagbili ng ilang ari-arian. Tanda rin ng matayog na kalagayan sa ngayon ng Iglesia ang pagkakatayo ng Philippine Arena— na pinakamalaking indoor arena sa biong daigdig. Kamakailan lamang ay nakabili ang Iglesia ng 2 bayan sa Estados Unidos.
Kahi sa panahon ng pandemya, walang patid ang kasiglahan at pagsasagawa ng aktibidad ng Iglesia. Bagay na talagang kahanga-hanga sa kanila.
Kaisa ang pitak na ito sa pagbati at pagpupugay sa anibersayo ng Iglesia Ni Cristo. Hangad natin na patuloy pang itaguyod ng INC ang makabuluhang programa at proyekto na kung saan ay kapwa makikinabang ang kanilang mga miyembro at ang kapwa-tao— sa pamamagitan ng pagtulong, pagiging huwaran sa kasiglahan sa paglilingkod at pagiging aktibo, disiplinado at produktibong mamamayan pagdating sa aspektong espirituwal. Adios Amorsekos.
More Stories
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM
Huling Tula ng Pambansang Bayani
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!