
Opisyal nang idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat season sa bansa ngayong Biyernes, matapos humina ang Easterlies na karaniwang nagpapainit ng panahon.
Sa isang pahayag, sinabi ng state weather bureau na ang mga obserbasyong ito ay senyales ng pagsisimula ng Habagat, na isa sa mga nangungunang palatandaan ng nalalapit na tag-ulan.
“With the weakening of the Easterlies, these developments indicate the beginning of the Southwest Monsoon (Habagat) in the Philippines, one of the precursors of the onset of the rainy
Bagama’t nagsimula na ang Habagat, nilinaw ng PAGASA na hindi pa pormal na nagsisimula ang tag-ulan, ngunit inaasahang maaaring ideklara ito sa loob ng susunod na dalawang linggo kung magpapatuloy ang mga kondisyon.
Sa panahon ng Habagat, inaasahan ang madalas na pag-ulan at mga thunderstorm, lalo na sa kanlurang bahagi ng bansa, gaya ng Metro Manila, Luzon, at ilang bahagi ng Visayas.
Gayunman, nagbabala rin ang ahensya na may mga panahon ng “monsoon breaks”, o panandaliang paghupa ng ulan, kung saan maaaring maranasan muli ang mainit at maalinsangang panahon.
Patuloy na pinaalalahanan ng PAGASA ang publiko na maging handa sa mga biglaang pagbabago sa lagay ng panahon, at sumubaybay sa mga abiso ng ahensya para sa kaligtasan ng lahat ngayong papasok ang mas maulan na mga araw.
More Stories
DOH: Walang Lockdown Dahil sa Mpox, Mag-ingat sa Fake News!
Pagpapalawak ng P20 rice program, pinuri ng Navotas solon
ILIGAL NA ‘PAKYAWAN’ PAY SYSTEM? TULFO AT DOLE SUMALAKAY SA PAGAWAAN NG CHICHIRYA