SMART CLARK GIGA CITY – Hindi nakaligtas sa hagupit ng bagyong Ulysses ang PBA. Naunsiyami kasi ang pag-alis sa bubble ng tatlong eliminated teams.
Napatalsik na kasi sa bubble ang 3 teams pagkatapos ng huli nilang laro noong Miyerkules.
Ito ay ang NLEX, Blackwater at Terrafirma. Pabalik na sana sa Maynila ang mga naturang teams.
Ngunit, ipinagpaliban ito ng liga dahil sa malakas na ulan at bugso ng hangin sa Central Luzon. Gayundin sa kalapit rehiyon.
Ilang bahagi kasi ng NLEX ang hindi madaanan dahil sa baha. Samantalang ang ilang kalye sa Metro Manila ay lubog din sa baha.
Nanalo ang NLEX sa kanilang huling game kontra Terrafirma, 127-101. Habang yumuko naman ang Blackwater sa Magnolia, 95-80. Natalo naman ang Northport sa Meralco, 80-73.
Kaugnay sa bubble, tuloy pa rin ang practice sa Angeles University Foundation Arena.Ito ay bilang paghahanda ng 8 remaining teams para sa quarterfinals.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo