Kapag nabigyan ng go signal ng kinauukulan, sinabi ni PBA komisyuner Willie Marcial na paiikliin ang PBA season. Ito ang gagawin sa Philippine Cup ng PBA 45th season.
Targey ng PBA na mag-resume sa mid-October. Tinuran din ni Marcial na ang format ng Philippine Cup ay gaya pa rin ng dati.
Ito ay may 11-game elimination round, 8-team quarterfinals. Gayundin ng at best-of-seven semis at Finals. Pero, gagawan nila ng shortened version ito.
“May nakaplano na kami, nagpagawa na ako kay deputy commissioner Eric ng shortened at full conference na laro,” ani Marcial.
“Meron tayong naka-set na appearance ng teams kada conference so pag-uusapan yun kasi baka di natin ma-meet yun.”
Bukod dito, balak din ng liga at television partner nito na TV5 kung ikakasa nila ang bubble setup. Kung mangyayari, magiging araw-araw na ang laro.
“Pag hindi pwede sa TV5, siguro pwede magaraw-araw kasi ang One Sports (UHF channel) nandyan, yung (PBA) Rush (cable channel exclusive to Cignal subscribers) nandyan, so yun madaming pag-uusapan pa,” aniya.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2