November 20, 2024

PAG-IBIG CONTRIB HIKE TULOY SA ENERO

IPATUTUPAD na ng Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG) ang matagal nang nabimbin na pagtaas ng kontribusyon ng mga miyembro simula Enero 2024.

Nauna nang iniliban ng Pag-IBIG ang premium hike bunsod ng pandemya na nagpadapa sa negosyo at mga mga miyembro.

Sa interview, sinabi ni Pag-IBIG CEO Marilene Acosta na tuloy na ang pagtaas ng kontribusyon.

“We are just waiting for PBBM’s (President Ferdinand Marcos Jr.)… not his approval because the Board approved it already. We just informed PBBM,” ayon pa kay Acosta.

Wala rin umano silang natatanggap na oposisyon mula sa Palasyon hinggil sa pagtaas ng premium ng Pag-IBIG.

“I think it’s good to go. We just want something in writing. That’s why we sent a memo to the President… [but] he’s aware of our accomplishments and he’s also aware that the last time that contribution rate was set was 1986. It’s long overdue,” dagdag pa ni Acosta.

Sa ilalim ng Pag-IBIG Fund contribution policy, ang monthly fund salary (MFS), na basehan ng 2% contribution rate ay lumalabas na P5,000 kada buwan. Nangangahulugan na ang average premium ng miyembro ay nasa P100 kada buwan kung saan ang employer ay magbabayad din ng P100 para sa member savings fund.