MATAPOS pumarada sa nakaraang grand opening ng Perlas ng Silangan Basketball League noong nakaraang buwan ng Hulyo, handa nang sumabak sa aksyon ang koponang Paete Carvers sa paglarga ng PSBL Calabarzon Cup sa darating na weekend.
“Our boys are raring to play in the PSBL, ito ang ligang angkop para sa mga kabataan nating basketbolistang Laguneños na nangangarap na madiskubre ang kanilang talento at potensiyal para sa bigtime basketball tulad ng PBA at Gilas. We hope to discover another Allan Caidic from our hometown Paete through PSBL as stepping stone to their ambition,” pahayag ng tanyag na basketball enthusiast/ afficionado / godfather na si coach (from MBA, PBA at national team) Johny Tam.
Marami tayong talento sa larangan ng basketball na kailangang mahubog sa mga ligang tulad ng PSBL nina. league’s top brass Christian Ensomo, co- founder Nato Agbayani, Rudy Aquino at commissioner Rodney Santos.
“Kami dito sa Paete ay TeAMwork lagi pagdating sa sports development at iba pang aspeto katuwang ko sina Kap Peping Capco, Atty. (Cong.) Tony Carolino, (bokal) Kenneth Ragaza, (Gob) Dan Fernandez among others. Welcome PSBL!” ani pa coach Tam. (DANNY SIMON)
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA