Hindi pa magreretiro si Sen. Manny Pacquiao sa boksing. Kasi, nais pa ng ilang fans na makita pa siyang umupak sa lona. Pangit aniya na mare-retiro si Pacquiao na talo. Dapat ay panalo para memorable.
Ayon sa isang fan, nais niyang makitang lumaban si Pacquiao kay Conor McGregor.
Ayon kay JM Siasat, dapat lang na makabawi si Pacman. Kung lalaban pa siya, dapat sa Pilipinas gawin ang last fight.
Mas masarap aniyan lumaban sa harap ng mga kababayan.
“Let us put it this way, let him announce his last fight without his familiar lines. Last fight, do it in the Philippines, be it Araneta Coliseum or Philippine Arena, anywhere. Do it, then say goodbye,” sambit ni naman ni sports analyst Sev Sarmenta.
Kinapanayam ni Siasat si Sarmienta pati na rin si DJ Rico Robles. Na aniya ay magandang kalaban nito si McGregor.
“One last hurrah, do it in the Philippines. It could be Conor McGregor since they are both loved by their nations that could be a good comeback as well for Conor,” ani ni Robles.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!