SINABI ni presidential candidate Senator Manny Pacquiao na nais nitong mas pabutihin ang sistema ng transportasyon sa bansa sa pamamagitan ng “North to South” bullet train service.
Ani Pacquiao, bilyun-bilyong piso ang nawawala dahil sa matinding problema sa trapiko ng bansa.
Dagdag ni Pacquiao, ang solusyon sa problema sa trapiko ay ang pagbibigay ng prayoridad sa mas maraming infrastructure projects gaya ng mga skyway at underpass, subway system, at mas maraming tren.
Ito ay upang mahikayat na rin aniya ang mga may pribadong sasakyan na sumakay ng mga pampublikong sasakyan.
Inaasahang matatapos ang Metro Manila Subway Project ng Duterte Administration sa ikatlong bahagi ng 2027.
Giit ni Pacquiao, dapat na palawigin ang subway project ng bansa.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA