NAIS ipagpatuloy ng maalamat na boxing icon na si Manny Pacquiao sa kanyang maningning na karera, ang makapag-alay ng gintong medalya para sa bansa sa kanyang puntiryang Paris Olympics 2024.
Sinabi ni Philippine Olympic Committee
( POC) president(Rep.)Abraham “Bambol Tolentino na nag-reach out na kamakailan ang kampo ng Pambansang Kamao kung paano mag-qualify ang dating eight-division champion para sa susunod na Olimpiyada.
” Senator Pacquiao ‘s camp reached out saying our Filipino ring idol wants to fight in Paris”,wika ni Tolentino.
“But the Senator can no longer vie for qualification in the Asian Games- an Olympic qualifier- has an age limit for athletes at 40 years old in all sports”,ani Tolentino.
Pero aniya, ang 44 -anyos na dating 8- division na kampeon sa mundo ay maari pang mag- qualify sa pamamagitan ng dalawang qualifying tournaments sa una at ikalawang quarter ng taon sa 2024.
Ang ikatlong qualifying ay ang Universality sa Paris games ,lima sa babae at 4 sa lalaki.
Kinumpirma ng close aide ni Pacquiao ay handang lumaban para sa Olympics.
Sinabi pa ng Tagaytay City mayor na ang ABAP ay wini-welcome si Pacquiao sa national team at handang asistihan sa kanyang qualification.
Si Pacman ay kasalukuyang tumitimbang ng 66 kgs kaya pipili siya sa 63 o 71 kgs na nasa programa ng Paris boxing program .
Ang mga professional boxers ay pinayagan nang lumahok noong nakaraang Tokyo Olympics .
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW