May 18, 2024

2 MAGNANAKAW NG KRUDO HULI SA BARIL AT GRANADA SA BATANGAS

PADRE GARCIA, BATANGAS – Nasamsam ang baril at granada sa dalawang suspek na magnanakaw ng krudo o diesiel oil makaraang itimbre sila sa mga pulis ng may-ari ng truck na kanilang ninanakawan sa Barangay San Felipe ng nasabing bayan nitong Agosto 31, 2023.

Kinilala ang mga suspek na sina Jerome Araza at Albert Flores mga nasa hustong gulang habang biktima naman ay si Justine Brandon Macasaet at residente sa kaparehong lugar.

Ayon sa report ng Padre Garcia Municipal Police Station kay Batangas Police Provincial Director Police Colonel Samson Belmonte, nakatanggap sila ng tawag galing kay Macasaet na kasalukuyang mayroon nagaganap na pagnanakaw ng krudo sa kanyang truck na may plakang CAH 9438 sa nabanggit na lugar.

Nakumpiska sa mga suspek ang 3 meters flexible hose, 6 gallons na naglalaman ng 150 litters ng diesel oil, isang caliber 38 na baril na may laman na 5 piraso ng mga bala at isang hand grenade.

Kasong paglabag sa Republic Act. o RA9516 (Illegal Possession of Explosives) RA 10591(Illegal Possession of Firearms and Ammunitions ) at Theft ang kakaharapin ng dalawang suspek na nakakulong ngayon sa Padre Garcia Custodial and Holding Facility. Matatandaan na napaulat na talamak umano ang operasyon ng pagnanakaw ng mga krudo o “paihi” sa bayan ng Padre Garcia na pinamumunoan umano ng dalawang personalidad na sina alyas “Nonit” at alyas “Tisoy.” (KOI LAURA)