
Tinuldukan ng Boston Celtics ang anim na sunod na panalo ng Indiana Pacers, 118-101.
Nanguna sa Boston ang mainit na outside shooting ni Jason Tatum na nagbitaw ng walong tree points.
Nakapagtala si Tatum ng double-double performance na 38 points, 14 boards at 6 assists habang 31 points at 4 rebounds naman si Jaylen Brown.
Umiskor ang limang players ng Indiana ng double figures na may kabuuang 74 points sa pangunguna ng 20 points ni Bennedict Mathurin at Tyrese Haliburton ngunit hindi ito naging sapat para patumbahin ang number 1 Celtics.
Nag-improve ang Boston Celtics sa 28-7 na win loss record ngayong season habang 20-15 naman ang talaan ng Indiana Pacers. RON TOLENTINO
More Stories
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)
GO, AQUINO, DELA ROSA NANGUNGUNA SA SENATORIAL RACE — PARTIAL RESULTS NG COMELEC