May 2, 2024

GILAS PILIPINAS PAPARANGALAN SA PSA AWARDS NIGHT

Nakatakdang parangalan ang mga Pinoy pride sa larangan ng sports na Gilas Pilipinas at women’s football team na Filipinas, sa darating na taunang awards night ng Philippine Sportswriters Association (PSA) sa Enero 29, sa Diamond Hotel, Manila.

Makakatanggap ang Gilas Pilipinas ng President’s Award, matapos maiuwi sa bansa ang gintong medalya sa Southeast Asian Games at Asian Games noong nakaraang taon.

Ibinalik ng Gilas ang posisyon ng bansa sa pedestal, matapos ang 61 na taon dahil sa naturang pagkapanalo.

Gagawaran naman ng ‘Golden Lady Booters’ Special Award ang Filipinas, matapos makapasok ang baguhang koponan sa 2023 FIFA Women’s World Cup.

Naging matagumpay ang pagwagaywag ng naturang women’s football team ng bandera ng bansa, dahil sa winning strike ni Sarina Bolden sa football Women’s Football Cup, kung saan kalaban nila ang host country na New Zealand.

Nakatakda naman iuwi ng Pinoy pole vault athlete na si EJ Obiena ang na Athlete of the Year. RON TOLENTINO