NAKOMPLETO na rin sa wakas ng national government ang proyektong pabahay sa lugar na hinagupit ng ‘Bagyong Yolanda’ sa Ormoc City, ayon sa opisyal ng Palasyo.
Dahil sa Yolanda Permanent Housing Project, naipatayo ang mga housing unit sa Bagong Pag-asa Subdivision Phase 1 at 419 units sa Bagong Pag-asa Subdivision Phase 2 sa Barangay Margen.
Sa virtual ceremony sa pangunguna ng National Housing Authority (NHA) Regional 8 office, sinaksihan ni Cabinet Secretary Nograles ang pagtu-turn over ng 1,419 housing unit para sa mga benepisyunaryo nito.
Itong si Nograles ay chairman ng Task Force Yolanda o Inter-Agency Task For for the Unified Implementation and Monitoring of Rehabilitation and Recovery Project and Programs sa mga lugar na apektado ng Yolanda.
“I’m very pleased to announce to the people of Ormoc City that we have already completed 100 percent of our free housing commitments here. This is a result of unity, cooperation and perseverance among the national government and local leaders to benefit the victims of Typhoon Yolanda,” wika niya.
Pinapurihan ni Nograles ang mga taong nasa likod para matapos ang proyekto sa kabila ng malaking hamon dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
“Work was sustained and non-stop, and now we see the fruits of everyone’s labor,” dagdag pa niya.
Patuloy din aniya ang gobyerno na makikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang matupad ang layunin ng administrasyon na makapagbigay ng maayos na tahanan para sa mga biktima ng kalamidad.
“President Rodrigo Duterte gave clear and urgent instructions to continue addressing the needs of our people and expedite the completion of these units before his term ends. We have achieved that objective,” wika niya.
Pinasalamatan din ni Nograles sina Ormoc City Mayor Richard Gomez, Vice Mayor Toto Locsin at iba pang konsehal, gayundin kay Rep. Lucy Torres-Gomez sa kanilang walang sawang suporta at sa napakalaking tulong upang magtagumpay ang proyekto.
Binati niya rin ang NHA Region 8 team sa ilalim ni Regional Manager Engr. Dodong Antiniero, ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan at iba pang public sector participant.
“They have shown dedication and a true sense of sacrifice in making the dreams of housing for Yolanda victims a reality,” aniya.
Samantala, umaasa rin siya na magagamit agad ng mga benepisyunaryo ang mga pabahay na inilaan para sa kanila.
“All we want is the safety and security of our people. A roof under their heads and a refuge from calamities is a lasting gift that anyone will appreciate. Government will continue serving the people of Ormoc, Eastern Visayas and other parts of the country,” ayon kay Nograles.
Batay sa tala ng NHA, as of June 2020, out of 54,508 housing units para sa Region 8, nakompleto na ang 35,462 units, at may ongoing construction pa na 10,877 units o katumbas ito ng 85% accomplishment rate.
Ani Nograles, bagamat ang gobyerno ngayon ay nasa gitna ng digmaan kontra Covid-19, tuloy-tuloy pa rin ang pamahalaan sa paghahatid ng serbisyo. Katunayan aniya, naka-line up ngayong buwan ng Agosto ang mga virtual turnovers para sa Eastern Visayas, isasagawa ito sa mga bayan ng Cabucgayan, Biliran, at Almeria sa probinsiya ng Biliran; Tacloban City, Baybay City, at Basey, Samar.
Labis na nagpapasalamat sa NHA ang city government ng Ormoc sa pamumuno ni Mayor Richard Gomez gayundin sa lahat ng mga naging katuwang upang maisakatuparan ang naturang proyekto.
“Sana hindi po dito nagtatapos ang pagtulong sa atin ng national government. Kami ay nagpapasalamat at umaasang madagdagan pa ang pagpapatayo ng mga housing facilities dito sa Ormoc upang mas marami pang kababayan natin ang mabiyayaan ng libreng pabahay,” pahayag ni Mayor Gomez. Tiwala si Nograles na matatapos ng gobyerno ang lahat ng mga ipinangakong pabahay sa mga benepisyaryong malaon nang nangangarap ng disenteng tahanan.
More Stories
150 PDL IBINIYAHE SA LEYTE
World Slasher Cup nakatakda sa Jan. 20-26 sa Araneta Coliseum
BONG GO: BIKOY DAPAT MAGPATINGIN SA MENTAL HOSPITAL!