Nasa 9.6-M halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) – Collection District XII – Port of Davao at Task Force Davao ng Philippine Army.
Ayon sa BOC, kabilang dito ang 9 na iba’t-ibang pagkahuli sa random checkpoints sa buong 2nd half ng 2022.
Sa buong 2022, nakapagkumpiska ang BOC ng mahigit P245-M halaga ng petroleum, P110.1-M halaga ng sigarilyo, P15.6-M halaga ng mga sasakyan at parts nito, P1.3-M agricultural at P1.2-M halaga ng iba pang items.
Sinabi ng BOC na ang lahat ng ito ay pumasok umano sa bansa na walang proper customs clearance.
Nag-isyu naman ang BOC ng warrants of seizure and detention laban sa umano’y smuggled goods dahil sa paglabag sa Section 1113 kaugnay sa Section 117 at Section 400 ng Republic Act No. 10863 o kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
Lalaki dinampot sa higit P300K shabu sa Caloocan
Kelot na wanted sa sexual offenses sa Valenzuela, timbog!