Nasa P9.49 milyong halaga ng pulang sibuyas ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs na tinangkang ipuslit sa bansa sa magkahiwalay na okasyon sa Zamboanga City.
Sa ulat, unang nasabat ng BOC ang isang “jungkong-type watercraft” na may markang TIMZZAN na nakadaong sa dalampasigan ng Barangay Labuan. Dito nadiskubre ang nasa 1,624 mesh bags na naglalaman ng tinatayang P2.6 milyong sibuyas.
Sa kasunod na operasyon, nasabat rin ang isa pang “jungkong watercraft” na may markang MJ MARISSA sa may Varadero de Cawit sa Brgy. Cawit na natagpuang naglalaman ng 4,308 mesh bags ng P6,892,800 halaga ng sibuyas.
Kinumpiska ang mga sibuyas dahil sa kawalan ng Sanitary and Phytosanitary Import Clearance mula sa Department of Agriculture (DA)-Bureau of Plant Industry, na isang paglabag sa Section 1401 ng Republic Act (R.A.) 10863,o ang “Customs Modernization and Tariff Act of 2016”, in relation to R.A. 10845 o ang “Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.”
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI