
Arestado ang isang suspek na nagbebenta at nagpapakalat ng iligal na droga makaraang masakote sa isinagawang anti-illegal drugs buy bust operation ng mga operatiba ng Batangas City Drug Enforcement Unit noong gabi ng Huwebes (June 5, 2025) sa Brgy. Tinga Labak, Lungsod ng Batangas.
Kinilala ang suspek na si alyas “Ricardo”, 58 taon gulang na residente ng Brgy. Soro, Soro sa nasabing lungsod at itinuturing na isang High Value Individual (HVI) sa Drug watch list ng pulisya.
Base sa inisyal na report nadakip ang suspek matapos nitong bentahan ng halagang P7,000.00. ng iligal na droga ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer at nakuha sa posisyon ng suspek ang isang kulay itim na sling bag, dalawang (2) piraso ng kotted tied plastic sachet na may laman ng mga hinihinalang shabu at may bigat na 123 grams, na nagkakahalaga ng P836,400.00 at ang ginamit na boodle marked money.
Mahaharap ngayon ang nakakulong ng suspek sa kasong paglabag sa ilalim ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (KOI HIPOLITO)
More Stories
CHARO AT DINGDONG, MAY HALIKAN SA BAGONG ROMCOM?
MATAPOS ANG NETFLIX, IBA PANG APP TATAAS NA RIN ANG PRESYO DAHIL SA VAT
“3 Pinoy Seaman Nakakulong sa Algeria, Mga Asawa nagpasaklolo kay PBBM