Nasabat ng anti-narcotics agents ng gobyerno ang mahigit sa P8.5 milyon ng party drugs ecstasy mula sa isang babae sa isinagawang operasyon sa Las Piñas City.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kinilala ang suspek na si Ana Fe Morilla, alyas Jonah Lleve.
Kabuuang 4,976 na piraso ang nasabat na party drugs o nagkakahalaga ng mahigit P1,700 kada tableta.
Nag-ugat ang operasyon sa shipment na mula sa Brussels, Belgium na idineklarang “lamp” at agad itong tinutukan ng BoC sa pakikipag-ugnayan nila sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Nang dumaan ang kontrabando sa X-ray scanning machine ay dito nakita ang imahe ng naturang iligal na droga na nakalagay sa corrugated o cardboard box.
Ang shipment ay pinaamoy din sa K9 dog na nagbigay din ng positibong indikasyon na naglalaman ng droga ang naturang karton.
Dahil dito ay agad na isinagawa ang physical examination at dito tumambad ang isang pirasong lamp na naglalaman ng anim na transparent plastic pouches sa loob at natakpan ng carbon film kung saan nakalagay ang party drugs na kulay pink at gray.
Para kumpirmahing ito nga ay ecstacy ay kumuha ang mga representatives ng PDEA ng samples at isinailalim sa chemical laboratory analysis.
Dito nakumpirma ang substance na Methylenedioxymethamphetamine (MDMA) o Ecstasy, isang uri ng dangerous drug sa ilalim ng R.A. No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Dahil dito, agad naglabas si District Collector Alexandra Lumontad ng Warrant of Seizure and Detention laban sa subject ng shipment dahil sa paglabag sa R.A. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Base naman sa record, ito na ang ika-pitong major drug apprehension sa Port of Clark para ngayong tao.
Nasa kabuuang P53.5 million na ang mga nakumpiskang illegal drugs sa Port of Clark.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY