
ARESTADO ang dalawang drug personalities matapos makuhanan ng methamphetamine hydrochloride o shabu sa Pasig City, kagabi.
Kinilala ang mga suspek na sina Romeo Orderio, 25, ng Barangay Pinagbuhatan at isang menor de edad ng Evangelista Compound sa nasabing siyudad.
Dakong alas-7:00 ng gabi nang madakip ang dalawa sa ikinasang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Cavite Provincial Office at PDEA Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Nakuha mula sa dalawa ang mahigit kumulang 100 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P680,000 at buy-bust money.
Kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng RA 9165 ang isinampa laban sa mga suspek.
More Stories
“MAY PROBLEMA KA BA SA MAY AUTISM?” — DENNIS TRILLO, NAG-INIT ANG ULO SA BASHER NG ANAK NI JENNYLYN
Property exposure ng mga bangko sa Pilipinas, bumagsak sa pinakamababang antas sa loob ng 6 taon — BSP
Collegiate Coaches ng UAAP at NCAA, paparangalan sa SMC-Collegiate Press Corps Awards