December 23, 2024

P510K SHABU HULI SA HVI SA BATANGAS CITY

Bagsak na sa kulungan ngayon ang isang  babaeng Hígh Value Individual (HVI) na nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot makaraang mahulog sa bitag na anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga operatiba ng Batangas City Police Station, Drug Enforcement Team at nakumpískahan ng kalahating milyong piso ng illegal na droga pasado alas-10:00 ng gabi noong araw ng Miyerkules sa Barangay Calicanto, sa lungsod ng Batangas.

Ayon kay PRO 4A Calabarzon Regional Director Police Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, kinilala suspek na si alyas “Dolores,” 50 anyos, residente ng Barangay Kumintang Ilaya, na nasa talaan ng drug watchlist sa Batangas City PNP bilang high value individual.

Narekober sa posisyon ng suspek ang 15 pirasong transparent plastic sachet na naglalaman ng mga pinaghihinalaang shabu na may bigat na 75 grams na may halagang 510 Thousand Pesos, isang black pouch at ang ginamit na boodle marked money.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act. 9165 o Comprehensive Laws on Dangerous Drugs Act of 2002 (Erichh Abrenica)