
MATAPOS ang rolbak sa nakalipas na dalawang buwan ay tataas ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ngayong Agosto.
Ayon sa Petron Corp., ang presyo ng LPG ay tataas ng P4.55 kada kilo, at AutoLPG ng P2.54 kada litro.
Epektibo ang taas-presyo sa alas-12:01 ng umaga ngayong Martes, August 1.
“These reflect the international contract price of LPG for the month of August,” ayon sa Petron.
Ang price hike ay kasunod ng rolbak noong Hunyo at Hulyo.
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon