November 24, 2024

P3K MONTHLY SUBSIDY SA PUV DRIVERS
ITINUTULAK NI GATCHALIAN

Dahil walang katapusan ang pabago-bago ng presyo ng gasolina, inimungkahi ni Senate committee on energy chairman Sherwin Gatchalian ang P3,000 buwanang subsidiya sa public utility vehicle drivers sa loob ng limang buwan.

Sabi ng senador, ang panukala P3,000 ayuda ay dapat ibigay sa mga drayber ng dyip, bus, UV Express at mga taxi driver habang P1,000 naman sa mga tricycle driver.

Ayon kay Gatchalian, nasa P4 billion ang gagastusin ng gobyerno dito.

Mas maliit aniya ang halagang ito kaysa sa mawawala sa pamahalaan kapag sinuspinde ang excise tax.

“If you suspend excise tax on fuel, the government will stand to… the government will lose about 150 billion pesos in the next six months” ani Gatchalian.

“My proposal is to give at least P3000 a month for our public utility drivers in the next five months. That will cost approximately about 4 billion pesos. So it’s still quite cheaper compared to suspending excise tax on fuel,” dagdag pa niya.

Habang isinusulong ng senador ang ayuda mula sa gobyerno, umapela naman siya sa mga drayber na ayusin ang kanilang mga papeles para mapabilis ang pamamahagi ng Pantawid Pasada Program ng pamahalaan.

Umaasa din si Gatchalian na maipapamahagi na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang ayuda sa loob ng isang linggo.

“When we allocate funds, hopefully, in one week mabibigay na lahat kasi ang importante may card na ‘yung mga drivers natin,” saad pa ng senador.