SWAK sa kulungan ang isang umano’y tulak ng illegal na droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyong halaga ng shabu nang maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City.
Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang suspek na si alyas “Dondon”, 46, ng Brgy. Marulas.
Ani Col. Cayaban, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation matapos magpositibo ang natanggap na impormasyon na nagbebenta ang suspek ng shabu.
Nang tanggapin umano ng suspek ang markadong salapi mula sa pulis nan nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong alas-7:55 ng umaga sa Arkong Bato Park sa M.H. Del Pilar, Brgy. Arkong Bato.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Col. Cayaban na nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 55grams ng hinihinalang shabu na nagkakahlaga ng P374,000.00, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 16-pirasong P500 boodle money, at P300 recovered money.
Sasampahan ng pulisya ang suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 (Sale) at 11 (Possession of Dangerous Drugs) sa ilalim ng Article II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
More Stories
Para sa patas na halalan… GUANZON: MGA ARTISTA NA ENDORSER NG MGA KANDIDATO, I-TAX CHECK!
Comelec nagsimula na sa pag-imprenta ng mga balota para sa halalan sa 2025
UAE NAGGAWAD NG PARDON SA 220 PINOY; NAKATAKDANG PAUWIIN