NAWALAN ang pamahalaan ng P37 billion na kita dahil sa mga hindi nairehistrong sasakyan.
Batay sa datos ng Land Transportation Office (LTO), umaabot sa 24.7 million na sasakyan ang hindi nairehistro na naging dahilan ng pagkalugi ng gobyerno ng hanggang sa P37 billion.
Malaking bilang ng mga hindi nairehistrong sasakyan ay nasa National Capital Region na nakapagtala ng kabuuang 4.1 milyon.
Sinundan naman ito ng Central Luzon na mayroong 3.3 million habang 2.7 million ang hindi rehistradong sasakyan na naitala sa Calabarzon.
Una nang iniulat ng LTO na 65% ng mga sasakyan sa buong bansa ay delinkwente o hindi nairehistro.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI