May 18, 2024

ALDEN RICHARDS, ‘DI RAW LALAYASAN ANG GMA 7

KALAT na ang chika, na isang malaking TV station ang sinusulot daw ang actor na si Alden Richards. Tripleng talent fee ang offer nila kay Alden, at asang-asa na magtatagumpay silang masulot ang actor.

“Wala pong planong layasan ni Alden Richards, ang Kapuso TV Network na nagtiwala at sumugal sa kanya para mapasikat siya sa kanyang showbiz career.

 “Malaki ang respeto ni Alden, sa buong management ng GMA 7. Hindi niya magagawang pagtaksilan ang TV network na nagpasikat sa kanya, dahil marunong hong tumanaw ng utang na loob si Alden,” salaysay pa ng aking source.