
NA-CLAIM ng solong winner ang tseke para sa Ultra Lotto 6/58 jackpot prize na P339,217,037 na binola noong Setyembre 6, 2020.
Kinuha ng lalake ang tseke sa PCSO Main Office sa Mandaluyong City.
Sa post sa Facebook noong Lunes, sinabi ng PCSO napanalunan ng solo winner ang jackpot price matapos niyang tayaan ang winning combination na 18-19-28-09-01-11.
“Ngayon, alam ko na kung paano ko mapapatapos at mabibigyan ng magandang buhay at kinabukasan ang aking mga anak,” kuwento ng lalaki na inaming alagang numero ang gamit n’ya sa nanalong tiket.
Bukod pa sa kanya, napanalunan din ng 57 mananaya ang second prize na makatatanggap ng tig-P120,000 bawat isa matapos makuha ang limang numero sa six-digit winning combination.
More Stories
“HINDI PA PINAL!” – Atty. Ian Sia, sumalag sa isyu ng disqualification
Pamilyang Villar, todo-suporta sa kandidatura nina Camille at Cynthia Villar sa Las Piñas motorcade
SUPREMO, TANGGOL NG BATANG QUIAPO, NANLIGAW SA MANILEÑO