January 26, 2025

ENTRANCE FEE SA MANILA ZOO, IPINALIWANAG NG MANILA LGU

FILE PHOTO

IPINALIWANAG ng lokal na pamahalaan ng Maynila kung bakit kailangan nilang maniningil sa pagpasok sa bagong gawa na Manila Zoo.

Ayon kay Atty. Princess Abante ang tagapagsalita ni Mayor Honey Lacuna, naglabas sila ng ordinansa hinggil sa bagong patakatan tungkol sa paniningil sa Manila Zoo.

Aniya, kailangan maningil upang may magamit na pondo para sa pangtustos sa mga gastusin sa pag-aalaga sa mga hayop na inaalagaan at nananatili sa Manila Zoo.

Sinabi ni Atty. Princess na bukod sa pagkain ng mga hayop, may iba pang pangangailagan na dapat ibigay sa kanila para manatili silang ligtas at malusog.

Matatandaan na ilang Manileño ang umaalma dahil may kataasan ang singil sa pagpasok sa Manila Zoo kumapra sa dati nitong halaga.

Pero iginit ni Atty. Princess na sulit naman ang publiko sa pagpasok sa Manila Zoo at makikita rin nila ang iba’t-ibang uri ng hayop na mula pa sa ibang lalawigan at sa ibang bansa.

Kaugnay nito, puspusan ang ginagawang paghahanda ng Manila LGU para sa muling pagbubukas ng Manila Zoo sa darating na November 21,2022.