November 19, 2024

PSC pinaiimbestiga ang bayolenteng naganap na NCAA basketbrawl

ANG Philippine Sports Commission (PSC) na may poder bilang natatanging ahensiya ng gobyerno sa amateur sports ayon sa probisyon ng Republic Act 6847, ay mag-iisyu ng resolusyon ngayon at bubuo ng  fact-finding committee upang masiyasat ang insidenteng kinasasangkutan  ni  Jose Rizal University cager John Anthony Amores nang bayolenteng sumugod ito kontra  players ng  College of St. Benilde sa gitna ng kanilang NCAA game nitong early weekday lamang.

Ipinahayag ni PSC Chairman Noli Eala ang kanyang pananaw  sa insidente at binigyang diin na walang puwang ang pagiging bayolente sa   sport habang ang patas na laban ay itinuturing na isa sa ‘pillars of the sporting community’, kung kaya nag-atas ang sports chief ng instruksiyong buuin ang komite upang mag-imbestiga na –  “all facts and circumstances surrounding the incident.”

Sa naturang resolusyon ay tinutukoy na ang imbestigasyon ay madedetermina ang – “appropriate actions to be taken by the Commission on all those who may have been involved in the incident.”

Binibigyan ang PSC dito sa Section 11 of RA 6847 ng – “power to perform all acts and things necessary for or in connection with the performance of its functions including the imposition of sanctions upon any national sports association, institution, association, body, entity, team, athlete and sports official for violation of its policies, rules and regulations.”

Ang mga kinatawan sa  Samahang Basketbol ng Pilipinas, NCAA, JRU, College of St. Benilde, Filoil EcoOil Centre, at iba pang kinauukulang  sangkot sa naturang insidente ay inimbitahan upang sumagot sa  inquiry sa pangunguns nina Eala, katuwang sina  PSC Commissioner Bong Coo at PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy, Jr.